November 15th, 2007 by papiz
If I don’t make it known that
I’ve loved you all along
just like sunny days that
we ignore because
we’re all dumb & jaded
and I hope to God I figure out
what’s wrong
ah… yan ang soundtrip namen ng aking brod. i guess d naman niya nababasa yung mga pinagsususulat ko kase d ko na siya friend dito sa friendster. i dont think ikukwento niyo naman sa kanya tong mga pinagsusulat ko. and it actually wouldn’t matter anymore.
siguro nga all is lost. i’m not looking forward to anything anymore except a bucket of beer with friends i guess… a little jamming here, a little kwentuhan there. labas labas konti, but after that balik na sa reality. d ko na mararamdaman kung ano man naramdaman ko a year ago. d ko na rin siguro mababalik pa yun. its the final period in a short novel. i guess i’m still looking forward to see my war van. yun na lang siguro. at umasa na it will be filled with new memories… malamang nandun pa yung amoy mo sa upuan…
dameng nagbago. isang taon lang. kung d mo pala papansinin… ang dameng nagbabago talaga.
Posted in Uncategorized | No Comments »
November 3rd, 2007 by papiz
ngayon napatunayan ko na ako nagpapahirap sa sarili ko.
baket ko ba hihilingin na pauwiin mo ko? sino ba ko sa buhay mo? ano ba ko sayo? wala. tapos ang boksing.
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 24th, 2007 by papiz
isang gabi wala akong magawa. kinuha ko gitara ko at sinubukan kapain ang tears in heaven ni eric clapton. d ko talaga magets yung chords, malamang dahil master na yun si eric clapton. kaya ayun, sumuko ako at naghanap ng tab sa net. malapet na rin yung tunog kaya nakumbinsi na rin ako…
mga ilang sandali, napaisip ako sa mga salita niya. "would you know my name if i saw you in heaven?", "would you hold my hand if i saw you in heaven?", "Time can bring you down time can bend your knee time can break your heart have you begging please".
kung naaalala mo… kanta ko ito sayo. magkausap tayo nun sa telepono, habang tumutugtog itong kanta na to. naisip ko kase malamang d nga tayo magkita sa heaven. tinanong ko yun sayo at shempre sumagot ka gamit ang iyong realsitiko at rasyonal na pag iisip. eh naglalambing lang naman ako.
tapos ng lahat ng nangyare… tuwing binabalikan ko itong kanta na ito, naiisip ko yung oras na yun na tinanong kita. pinagdadasal ko pa sa diyos na sana sabihin "shempre naman snorlax ko…" para lang mapuno ang damdamin ko na naghahanap lang ng lambing nung panahon na yun. pero ngayon, parang naisip ko wag na lang.
sana kung pumanaw na tayo, d na lamang tayo magkakilala, sana d ko na alam ang pangalan mo at kung ano ka sa buhay ko, at ganun ka din. sana pareho na lang natin d alam ang mga masasakit na nangyare saten sa mundo. para naman sa langit, mukhang magtagpo tayo ulit, pwede ko ulet simulan yung bagay na sinimulan natin na napakaganda. wala nang sakitan, wala nang selosan, wala nang pangit na mangyayare kase, nasa langit na tayo… kung dun ako mapunta…
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 19th, 2007 by papiz
sabe sa kantang nothingman ng pearl jam he who forgets will be destined to remember.
so papano yun? kahit anong kalimutan mo maaalala mo eventually? eh pano kung yun yung mga bagay na pinagdadasal mo d na lumitaw pa?
such is life. natatawa na lang talaga ako. hahaha.
Posted in Uncategorized | No Comments »
October 4th, 2007 by papiz
nakikinig ako ng isa sa mga kanta ni colin hay kanina. matagal ko nang pinapakinggan yun pero d ko alam baket ngayon ko lang napansin ng todo yung lyrics.
naisip ko kase tama siya. kung ano yung sinasabe niya dun sa kanta niya na yun. or at least tama at applicable saken. natanga lang ako bigla, naisip ko kase matagal pa yun… 102 years old? so 78 years from now pa yun. iniisip ko pa lang yung immediate 1 or 2 years natatawa nako.
tamang sakto pa talaga dahil ang panimula niya eh ang pag inom ng kape sa umaga na talaga namang ginagawa ko din.
siguro nadala lang ako ng lungkot. pero sa totoo lang gusto ko na lang umandar pa-abante. ang hirap dahil napatigil ako talaga. huminto yung ikot ng mundo ko na mabagal na nga ang ikot. sawa nako isipin ano yung mga nagawa kong mali at mga d ko nagawang tama. pag napapaisip ako natatawa na lang ako sa sarili ko.
siguro natatamaan ako kase totoo… na baka nga pag umabot ako ng 102 eh ganun nga ang mangyare saken. kung iisipin ang lungkot. parang d ko na talaga tuloy maisugal ulet ang mga bagay bagay. kumbaga sa poker game na to 100 na lang pera ko kumpara sa daang libo ng mga kalaban ko. habang pwede pang d pumusta, d ako maglalagay ng taya, kahit minsan sobrang ganda na ng baraha. minsan pares na reyna na tinapon ko pa.
hiling ko na lang siguro, na sana d mangyare yun sa kahit sinong malapet saken. na d na nila mapagdaanan yung kabaliwan na napapagdaanan ko. sa comdey na lang sila matawa, d sa sarili nilang kalokohan…
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 21st, 2007 by papiz
nasabe ko naman na kelangan mong malaman. nasabe ko na lahat ng nasa loob ko. alam mo naman na lahat. d na talaga kita gugulihin muna. kung gusto mo ko guluhin ok lang… basta d na kita papakialaman muna… kelangan ko muna mag isip ng ibang bagay kesa yung ikaw ang lagi ko naiisip. kelangan muna umandar buhay ko. kung gusto mo ko samahan, siguraduhin mong handa ka sa nakakahilong lakbay… dito lang ako kung kelangan mo ko.
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 16th, 2007 by papiz
nung isang beses na kami’y dumalaw ng alabama… muli kong sinubukan pumalo. gamet ang tambol ng pamangkin ko, sinubukan kong sabayan ang mga kanta na ginawa at tinapos namen bago ako umalis. sa kasamaang palad, mismong mga ginawa ko, d ko na magawa. sumubok ako ng ibang kanta, yung ibang mga gusto ko na nasasabayan ko. pero parehas pa rin ang naging resulta.
ngayon napapaisip ako… tama ba to? inisip ko kase dati na mahirap maging tambolero. mahal ang gamet, dapat madalas ang ensayo, kelangan laging nakikinig ng bago. ngayon, sinubukan ko isipin ano ang magandang maidudulot nito. naisip ko… baka d ko na kailanganin pa bumili ng bagong gamet. o kaya… ngayon pwede nakong mag hinay sa pag puna sa sarili ko sa pagtatambol.
pero ang masama, napaisip ako ng todo. naalala ko nung mga panahon na kami ay nasa "recording studio" para sa aking isa pang banda (the rinka collective). nakausap ko si ser noli. tinanong ko siya, "ser, nagkaron ba ng panahon sa buhay mo na parang ayaw mo na mag gitara?" at nakita kong sumimangot ang mukha niya at napatingin sa malayo at sinabing "wow! para mong tinapon ang binigay sayo ng diyos!". dahil sa mga salitang yan… tuluyan akong napaisip. sa nangyare ba saken ngayon, sa mga desisyong pinili ko, tinapon ko nga ba? o isinaisang tabi ang bagay na binigay saken ng diyos? mas pinili ko nga bang kalimutan yung talento na binigay niya saken kaya heto, ngayon parang binabawi na?
nung pumasok sa isip ko to, madameng naging katanungan sa isip ko. pero naging talagang matinding tanong ay… nabalewala ko nga ba yung mga pinagkaloob ng diyos saken? malalim pero, d ko matiis isipin…
sana bumalik ang palo ko…
itutuloy…
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 14th, 2007 by papiz
there are so many things i want to say to you. but i know my words are nothing to you as you have said many times. i don’t know if you would still believe a fool like me, after everything that has happened. i also know that i have no right to tell you what you feel for the simple reason that i am not you and i can’t feel what you are feeling.
as most people we are acquainted with know. i have wronged you in so many ways. so many that a simple sorry or the gestures resembling apologies would not be enough to wipe everything out of your labyrinth mind. the mind which i dared not to solve… but, looking at it now, maybe i should have…
i’ve always told you i never wanted to break your heart because the pain i feel whenever it happens is just unexplainable. i cant describe pathetic and helpless i feel whenever i hear you cry, whenever i make you think you have done something unforgivable. the night you walk in the rain, the night you decided to go home right away because i caused trouble, the night when we were supposed to celebrate my triumph, but ended up giving you one of the worst treatments a significant other could concoct.
i know that even though we are not together, i still manage to break your heart. which keeps me up most of the nights. the thought that up to now… i still care if i am hurting you or not. you’re right. i wouldn’t be able take it when you start doing what you really want.
i guess i just want to stop breaking your heart… and finally stop breaking mine. again you are right, if we are meant to be together, fate will bring us back to the happiest days of our lives together. i don’t want to hurt you anymore so i can finally stop hurting myself too. i want to get rid of this excess baggage i have… my melancholic feelings attributed to the loss of the one person who actually made me better. the person who made me accept my faults and actually try to do something about it. you actually made me want to try harder… though it may not always seem that way. that when the day that i should expire comes, i would be the happiest man knowing that i would die knowing that i love you and that you love me too.
for the first time in my life, i would be able to say this with full conviction… i love you, and will always love you. though my hopes of us being together has already faded away…
my offer still stands… you know where to find me when the time comes…
Posted in Uncategorized | No Comments »
August 11th, 2007 by papiz
naisip ko lang… ilang beses ko na rin ginamet ang mga katagang "picking up the pieces". sa totoo lang sa tagal kong nasa estadong to akala ko alam ko na ang tunay na ibig sabihin.
paulet ulet na lang. naalala ko tuloy yung isang kanta ng dogs eye view. parang sinasabe nung kanta na inaayos mo ang mga bagay bagay sa buhay mo para lang masira to ulet at para ayusin mo ulet. isang walang katapusang pag ikot sa isang napaka iksing panahon ng buhay.
d ko lubusang maisip na baka nga ang buhay eh isang malaking paikot ikot lang kung saan kelangan mong ayusin ang mga parte na buhay mo, para lang muling masira at ayusin mo ulet.
may mga taong gustong gusto ang ganitong sitwasyon. pero sa kinasamaang palad ay d ako kasali sa grupo ng taong yun.
kelangan mo muna magpahinga… masaket na katawan ko kapupulot ng mga piraso ng buhay ko na masisira lang naman ulet. hihinto muna ko para tignan yung ganda ng paligid…
itutuloy ulet…
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
July 27th, 2007 by papiz
sa dami ng mga mali na nagawa ko sa buhay, di ko maiwasan na isipin na sana, pwedeng baguhin ang nakaraan. nakakatuwang isipin. pwede mong wag nang sabihin ang mga nasabi, wag nang gawin ang mga nagawa, etc.
pero habang nagmumuni muni ako ukol dito, naisip ko rin na, kahit posibleng makaimbento ang tama ng "time machine" eh d pa rin magiging maayos ang buhay. baket kamo? parang ang hirap isipin…
isipin mo na ikaw ay nasa "time machine". gusto mong ayusin ang isang aspeto ng buhay mo halimbawa… sana di mo na lang binili yung isang napaka mahal na tsinelas na meron ka dahil naisip mo na sa presyo ng bagay na iyon, madameng mahihirap na sana ang nakakain. babalik ka sa nakaraan, kakausapin mo sarili mo para wag bilin yung tsinelas. halimbawa, nakumbinsi mo sarili mo (na malamang lamang hindi dahil di maniniwala yung sarili mo na galeng ka sa hinaharap!), pag di mo na binili yung tsinelas, madameng nang pangyayare sa buhay mo ang hindi mangyayare. dahil dito, maaaring ang katauhan mo ay di na maging tunay… dahil lamang sa pag pigil mo sa sarili mo na bilin yung tsinelas, mas malaking problema pa ang nangyare. sa pag balik mo sa nakaraan, d ka na makakabalik sa hinaharap dahil ang hinaharap na babalikan mo ay iba na. kung sa tingin mo na maliit lang na bagay yun at di gaano magdudulot ng pagkakaiba, nagkakamali ka. subukan mong isipin mabuti… isa isa… sakit sa ulo dba?
yan ang nagagawa ng walang magawa…
itutuloy muli…
Posted in Uncategorized | 1 Comment »